[10.15.2007]
October 12 nun. Ramadan. Syempre, day-off ko sa PASI (Philippine Animation Studio, Inc.) Tambay na naman. Dapit hapon na nun. Pinuntahan ko yung isang tropa ko sa subdivision namin. Si Tita Malyn (mommy nya) ang nag-entertain sa’kin. Tulog! Badtrip! “sige, tita, wag nyo na gisingin para makapagpahinga sya…” ayun. Batsi ako. Pero… “teka lang James, gusto mo, dito ka muna, kwentuhan tayo.” Sabi ni tita. eh di balik ako ng nakangiti. Masarap din kasi kausap si tita Malyn. Hindi nakaka-umay. Cool kasi sya. Umupo kami sa tindahan malapit sa kanila. Sa kamag-anak nila yung tindahan na yun. Nandun si Tito Jong (matalik na kaibigan nila tita Malyn.) Nung una, Nahihiya pa akong makipag-usap sa kanya. Bago ko pa lang kasi kakilala. Ang tahimik ko dun. Parang hindi ako. Nabibingi ako sa katahimikan ko nun. Nagsounds ako. Gusto ko na sanang umalis na nun para makatambay ako sa computer shop ni DJ. Pangalawang bahay na rin kasi ng buong tropa sa subdivision yun. ngunit, parang kabute, bigla nalang sumulpot si dianne kasama yung boyfriend nya, si Bong. Nagdate yata dala nung orange na kotse ni bong. Nagdate yata. Si Dianne ay pamangkin ni Tita Malyn. Tapos, para akong sinakluban ni satanas nang sabihin ni tito jong: “Inuman tayo dito! Sama ka, James!”. Ayun. Hindi na ako makatanggi nang nilabas na nila yung dalawang boteng matador. Nakalatag na ang lahat, shock parin ako. Kung tutuusin, first time ko na uminom na puro “oldies” ang kasama. Ewan. Feeling ko kasi,boring yung ganun. Pakiramdam ko, ang daming limitasyon. Umiinom ka nga, para ka namang baguhang seminaristang ayaw masira ang pangalan. Hindi ako makapagmura. Asar!
Napansin ko sa kanila, kahit walang “po” at “opo” sa pangungusap ng mga nakababata sa kanila, okay lang sa kanila. “Aba! Bastos tong hinayupak na ‘to ah!” sa loob-loob ko nung kausap ni Nikko si tita Malyn. Si Nikko ay isang matalik naming kaibigan na walang ginawa sa buhay kundi mang-asar. Anyway, kung ganoong paraan nya kinausap ang lola ko, kailangan na nyang magpaalam sa pagkakaibigan namin habangbuhay. Pero mag mga nakatatanda palang ganun. Hindi ko lang alam kung in-adopt lang nila yung ganoong paraan ng pakikipag-usap sa kanila --- Tipong tininggap nalang nila kasi wala na silang magawa --- o mas komportable sila na ganun. Ewan. Basta ako, I’ll stick to the norms I grew up with. Wala namang mawawala. Isa pa, nasanay na kasi ako.
Grabe… ibang klase pala ang tagayan nila dito. Kanya-kanyang dampot sa bote, salin sa baso, sabay lagok! Nung una, nagche-chaser pa ako. Kaso tubig! Asar! Sana may lasa manlang… Ayun. Maya-maya, wala nang laman ang aking sisidlan na naglalaman ng mahiwagang likidong ginagawa kong pampawala ng pait ng makapangyarihang likidong nakaka-adik. Ayun. Tinira ko yung matador ng walang chaser. Ang sarap pala… ramdam na ramdam yung kaluluwa nung alak… gumagapang sa bunganga at ilong… tapos parang may kuko… kumakapit… ang sakit pero ang sarap…
Maya-maya, nagkwentuhan na sila. Nagulat ako! Kasi walang pinagkaiba yung paraan ng pagkukwentuhan nila sa paraan ng pagkukwentuhan namin sa tropa pag nag-iinuman. Parang mga bata kung magtawanan yung mga nandun. Parang ka-edad ko lang sila. Ang saya nito… sali ako… nakikitawa na ako. Aba! Si tito Jong, kausap si Bong. Nagpapayabangan! Paramihan ng kayamanan. Umabot sa puntong mamahaling alak daw iniinom nila, hanggang sa hindi daw sila kumakain ng pagkaing pangmahirap. Sosyal daw ang chocolates nila at hindi “choconut” lang. Ang nakakatuwa, nilalabas ni tito Jong yung iniyayabang nya… heheh… eh di meron kaming “Lay’s”, “Piknik”, at “Cadbury – Fruits and Nuts.” Sa loob-loob ko, “magyabang ka pa tito Jong! Go Bords! Suportahan kita!” Tawa ako ng tawa nung gabing yun. hindi ko inaasahan na magiging ganito kasaya kasama ang mga matatanda. Madami din kasi akong natutunan kay tito Jong. Kinuwento kasi niya yung nangyari sa nakaraan nya. Ganun daw pala yun. pag nasa kritikal na kondisyon ka na sa ospital at madami nang aparato ng ospital ang nakakabit sa katawan mo, nakakatakot daw. Tipong mapapanaginipan mo ang itsura ng langit at ang pagpunta mo dun. Hindi ko lang maikwento sa kanila na naranasan ko na yun pero hindi ko naramdaman yung takot at mga panaginip na ganun kundi impyernong sumusunog sa katawan ko. Pero wag mong isiping napaka makasalanan ko kaya yun ang nakikita ko. Gising kasi ako nang maramdaman ko bawat sakit na idinudulot ng impyernong yun.
Maraming mukha ang impyerno. At nakita ko na ang tatlo sa mga yun. Una, nung elementary palang ako, apat na beses akong ipinasok sa operating room ng mary chiles hospital sa manila dahil sa komplikasyon sa baga dahil sa “cyst” na namuo sa bandang ibaba ng kili-kili ko. May nana daw na bumabalot sa baga ko. Rare case daw yun. namuhay ako ng higit sa 2\dalawang buwan na may tubong nakakabit sa baywang ko para higupin yung nana pagkatapos buksan at halukayin ng mga doktor yung katawan ko na naglagay sa’kin ng bente mahigit na “stitches.”
Pangalawa, highschool pa ako, ayokong ikwento. Masyado nang personal. Tunkol kasi sa pag-ibig. At sigurado akong naranasan mo na rin ito.
Ikatlo, college, nag-working student ako nun. Sa Tropical Hut. Nagli-lipat kami ng used oil nun papunta sa tapunan kasi pinalitan na yung sa fryer. Pinalamig na namin yung mantika. Parang sobrang bilis nung mga pangyayari. Nadulas ako. Bumuhos sa sahig yung mainit na mantika. Nagulat nalang ako, lumalangoy na ako sa likidong tila impyerno sa init. Natunaw yung plastic gloves ko… natunaw yung ibang parte ng pantalon ko… yung gloves at pants ko dumikit na sa balat ko. Hanggang buto nararamdaman ko yung init. Para akong sinisilaban. Umaapoy. Ganun pala ang pakiramdam ng porkchop pagka hinulog na sa kawali! Heheh… sinugod nila ako sa ospital. Pero hindi ako nakalagay sa stretcher. Tumakbo kami sa ospital. Pagdating sa ospital, dun na ako nawalan ng malay sa sobrang sakit. Nagising nalang ako, may benda na ako sa mga parteng na-prito sa katawan ko. Wala akong fingerprints! Natakot ako! Naisip ko nun lahat ng puwedeng mangyari sa taong walang fingerprints. Ayun. Tinakot ko lang pala ang sarili ko. Tumutubo daw pala ulit yun. ligtas na ako.
Balik sa inuman, nakakainggit si Bong. Sana may kotse din ako. Iba din si tito Jong… galante… natawa sila nung magsalita ako: “meron pa?”, “chocolate!”, “parang gusto ko ng matamis…”, at “penge pa po…” lasing daw ako?! Sober pa ako, noh! Seryoso kaya yun! eheheh…
Natapos na yung inuman. Ligpitan na. Kinamayan ko si tito Jong… kinawayang sila tito at tita na parents ni Dianne… nagpaalam kina Dianne at bong… niyakap si tita Malyn at nagpasalamat… at umalis ako at umuwi ng may ngiti sa mukha at kislap sa mga mata…
_________
[9.16.2004]
Excited For JUNO Update!
As you can see... I've got a new image! its the Bard class for the upcoming JUNO update for Philippine Ragnarok Online... ive got an Archer in the Chaos server (named Djarke_Hideyasu) that has a good amount of INT (which was actually an accident!) for a bard's play skills... so I've decided to change it into a Bard! heheh... an accident turned out useful! and besides, the Bard's costume looks great! like... whoah! that was cool!
till next update! ciao!
_________
[9.07.2004]
the Juno patch, the fifth episode of ragnarok online, is almost out! i think they'll release it by the next update. there will be changes in the client namely:
Animated Kafra Girls
No longer restricted to standing around in one position all day, the Kafra Girls now bow, wipe their glasses or flap their aprons when approached. (wow! look at them! cute!)
Localization of Town Guards
Each city in the Kingdom of Rune-Midgard now has its own town guard. In Payon, there are the slim spear-girls and in Geffen, the mysterious hawk-helmeted guards. Like Kafras, they welcome each guest with a cordial greeting . (payon guards are cute!)
Auto Silence
Flooding will now be a thing of the past as the client automatically initiates a chat/skill block on any player who types the same text in rapid succession. If you key in more than 10 lines in 3 seconds the client will automatically silence you for 10 minutes. If you continue to flood, another 10 minutes will be added to your silence time for every succeeding line you type until you reach the maximum of 1 hour. When silenced, you cannot use any skill or chat. (finally! peace for us acolytes...)
Special Effects
New teleportation effects and character exit animations have been added for more style and flair. Portals are now pale lavender instead of white. Map errors in the old versions have been corrected, now unblockable and with new spectacular visual effects like fireworks in Comodo and pillars of light in Juno. (Ragnarok looks a lot cooler now!)
Weapon Sprites
Now your Tsurugi will look like a Tsurugi when your character wields it! More weapon sprites have been uploaded to the Juno client, allowing you to show off your slaying gear for maximum intimidation effect. (i can show off my vital club! yay!)
3 Slot Quickbar and Battle Mode
Tired of not having enough keys on your F12 Quickbar? In Episode 5 you have EIGHTEEN more hotkeys! Reserve the first slot for your skills, the second slot for your armor and the third for nasty surprises! Switch between the rows of hotkeys by pressing F12. It will toggle from set 1 (the default) to set 2 and set 3. (playing would be easier now!)
check out other updates here!
_________
[8.16.2004]
just updating after a very long time...
sorry for that...
every day is just sooo busy...
heheh...
_________
[7.06.2004]
to rot in the darkness...
background music:"Burn" by Usher
mood: devastated
weather: sunny
i guess nothing lasts forever... what do i wanna do? refer to the title... why? me and my girlfriend just broke up... just when everything just starts to be right... it all turns out to be just ALL LIES!!! it felt like heaven had taken away my angel... took away the one i really love... sad... but i have to move on... maybe someday we'll meet again... maybe she really wasn't THE ONE for me... who knows... maybe GOD has other plans for me... maybe... just maybe... or i'll just rot in the darkness...
_________
[6.04.2004]
Sick, Sad Little World...
background music:"sick sad little world" by INCUBUS
mood:sad
weather:raining
i know its the title of one of the songs of our beloved "incubus" in their album named "a crow left of the murder"... but then again... its true... we are here in this world because of love... it is the very reason why we are living... why, you may ask? well, ask your mom and dad... heheh... but you think the world has that love??? i don't think so... people (but not all of them) became so cold and greedy just because of one thing... MONEY! the solution? leave others be... mind your own business... we have no choice... WE are to blame... WE ARE HOPELESS!!!
but please... prove me wrong...
_________
[6.02.2004]
i am once again been assigned to write a staffer's corner... heheh... in case you wanna read the first one... inform me via the tagboard on the left...
_________